Naramdaman mo na bang malungkot ka sa walang alam na rason? Sabi ng iba, masyadong oa daw at sensitive dahil kumpara sayo, mas marami pang iba diyan na may mas malala at mabibigat na problemang kinakaharap sa buhay.
Isa ako sa kanila noon, sabi ko nga “parang mga wierdo, mahirap bang magkaroon ng positibong pag isiip? Inspirasyon, para sa kani kanilang kinabukasan. Masyadong mahina at malambot para sa masamang mundong ito.” Karma na siguro ang dahilan kung bat ako nandito. Masyado kong inabuso ang saya at masyadong minaliit ang lungkot.
Ang tanong, alam mo ba kung saan ka babawi, sa tulog? pagkain? gumala? sa academics? Para kasing lahat nagawa mo na, na didistract ka ng konti pero alam mo sa sarili mo na ang lungkot na nararamdaman mo nandiyan parin. Pero alam mo, ang makaramdam ng lungkot na walang nalalamang dahilan, ay ayos lang. Okay lang maubos, okay lang na mawalan ng batterya, okay lang makaramdam na parang ang bigat ng mundong iyong ginagalawan.